Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyante na maging milyonaryo sa bansa, pero lumikha sila ng trabaho para sa mga mamamayan at magbayad ng tamang buwis.
Ang payo ng Pangulo ay sinabi niya sa business community habang nasa China, kung saan ipinangako rin niya sa mga negosyante na hindi maha-harass ang sinuman, basta magbayad lang ng buwis.
“Do your business, do it right, make it flourish, earn money, be millionaires at the same time give jobs to the Filipinos and pay your taxes,” ayon sa Pangulo sa business forum sa Beijing nitong Huwebes.
“Bahala na kayo. Hindi ako makikialam sa negosyo ninyo,” dagdag pa ng Pangulo.
Pinaalalahanan din ng Pangulo ang mga negosyante na huwag ‘maglagay’ sa customs at internal revenue bureaus. “Tell them you are mad and you will never pay grease money. You create a scene, awayin mo, huwag kang matakot.” - Genalyn Kabiling