14-copy

Panibagong pag-asa ang inaabangan ng mga kababaihang mahiligin sa basketball sa nalalapit na pagbubukas ng pioneering na komperensiya ng binubuo na unang taon ng Women’s Philippine Basketball Association (WPBA).

Ito ang isiniwalat ng ilang miyembro ng pambansang koponan na Perlas Pilipinas na ikinatuwa ang nakatakdang pagsasagawa ng test tournament kasabay sa muling pagbubukas na ng ika-43 taon ng Philippine Basketball Association (PBA).

“It will open up opportunities for all the women playing basketball, kahit sa collegiate at university, and also chances to be discovered and play for the country in representing our flag in international event,” sabi ni Raiza Rose Dy.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kinumpirma naman ni Perlas Pilipinas coach Patrick Aquino ang nalalapit na pagbubuo sa professional league para sa kababaihan.

“I was just told that there will be two conferences, of which will start in January to July in preparation for the SEA Games,” sabi ni Aquino. “It will be school based teams muna but with sponsors na kanilang irerepresent.”

Ang torneo ay isasailalim sa pamamahala ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) katulong ang pamunuan ng PBA.

“A letter was already sent to all schools that have women basketball teams, including us in National University” sabi ni Aquino.

Ipinaliwanag pa ni Aquino na paghihiwa-hiwalayin ang mga miyembro ng pambansang koponan sa bawat sasaling mga unibersidad o grupo.

“The schools are allowed to get their sponsors like Blackwater, or any other products that will support them throughout the staging of the tournament,” sabi pa nito.

Ang mga miyembro ng Perlas Pilipinas ay binubuo naman nina Chovi Borja, Shelley Anne Gupilan, Camille Sambile, Marizze Andrea Tongco, Jack Danielle Animam, Cindy Resultay, Raiza Rose Dy, Gemma Miranda, Afril Bernardino, Allana May Lim, Sofia Isabella Roman at Merenciana Arayi.

“Definitely, it will be very healthy for our lady basketeers dahil dito natin makikita ang sino ang mas gumagaling at kung sino ang level nila ay umaangat lalo na sa experience at makikita natin ang mga batang players,” sabi pa nito.

Dalawang koponan naman ang agad na nagkumpirma ng kanilang paglahok na FEU at NU Alumni. (Angie Oredo)