Inilarawan ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na ‘national tragedy’ ang pagpihit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa foreign policy, kung saan mas pinaboran ang China kaysa sa United States (US).

“The declared shift in foreign policy casting aside a long time reliable ally to hastily embrace an aggressive neighbor that vehemently rejects international law is both unwise and incomprehensible,” ayon kay De Rosario.

Sinabi ni Del Rosario na dapat sandalan ng Pilipinas ang mga bansang responsable, na katulad ng Pilipinas ay nananaig din ang demokrasya, respeto sa karapatang pantao at rule of law. “To stand otherwise, is not what Filipinos are; it is not what we do; it is not what is right,” dagdag pa nito.

Binigyang diin ni Del Rosario na ang nagaganap sa kasalukuyan ay isang ‘national tragedy’ na hindi dapat mangyari.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

(Elena L. Aben)