Umaasa si Senate Minority Leader Ralph Recto na makakalusot sa Senado ang panukalang taasan ang chalk allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Mula sa P1,500, gagawing P3,500 ang chalk allowance kada taon, at ito ay sinusuportahan nina Senators Antonio Trillanes IV at Win Gatchalian.

“Like anything written on the blackboard, we can erase and change the amount of our teachers’ chalk allowance,” ani Recto.

Ang chalk allowance ay pambilli ng mga chalk, pens, erasers at iba pang school supplies na ginagamit ng mga guro sa paaralan. (Leonel M. Abasola)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'