cesar-copy

SA isang pambihirang pagkakataon ay malaking sorpresa ang naganap sa birthday celebration ng batikang writer na si Norma Japitana na dating manager ni Cesar Montano.

Early bird si Cesar na dumating kasama sina Anthony Castelo at Freddie Aguilar who told us na okey naman daw ang folkhouse pub niya along Tomas Morato, Quezon City na pinagtatanghalan din niya.

Ayon secretary at pamangkin ni Norma na si Lea, personal niyang tinawagan si Cesar. Ang mabilis na sagot ng aktor, imbitahin man siya o hindi ay sisipot siya sa Anabel’s restaurant, ang venue ng intimate na salu-salo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa loob ng maraming taon ay si Norma ang tumayong manager ni Cesar, sapul pa noong Seiko days hanggang mag-freelance at maging bankable. Kaya marami ang nagulat nang maghiwalay ng landas ang dalawa. Kalabisan nang kalkalin pa ang puno’t dulo ng mga pangyayari dahil si Norma ang tipo ng manager na hindi nagkikimkim ng galit. ‘Ika nga, everything is under the bridge now.

Ang masayang pagkikita ng dalawa ay maaaring hudyat ng mas matibay na pagsasama lalo na’t nangako si Norma na susuportahan ang ilang proyekto ni Cesar na may kinalaman sa turismo. (REMY UMEREZ)