Pinosasan ng mga awtoridad ang isang babae na kapangalan ng beteranang aktres na si Batangas Rep. Vilma Santos matapos ireklamo ng pananakit sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Ayon kay Police Supt. Redentor Ulsano, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, ang suspek na si Vilma Santos y Diaz, 46, dalaga, kasambahay at residente ng 1663 Int. 30, F. Varona Street, Tondo, Maynila, ay kasalukuyang nakadetine sa detention cell ng kanilang tanggapan.

Nabatid na dakong 2:20 ng hapon kamakalawa nang dakpin ng mga tauhan ng Don Bosco Police Community Precinct (PCP) si suspek dahil sa reklamong slight physical injuries.

Isinailalim kaagad sa physical at medical examination si Santos at ililipat sa Manila City Jail sa sandaling matanggap ng mga awtoridad ang commitment order na ilalabas ng hukuman laban sa kanya. (Mary Ann Santiago)

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University