yasmien-mark-at-katrina_-copy

SIGURADONG masaya ang cast ng Sa Piling ni Nanay dahil sa balitang extended hanggang next year ang kanilang afternoon serye.

Dahil ito sa mataas na ratings at magandang feedback ng televiewers. Kaya malayo pa ang tatakbuhin ng istorya ng show.

Tampok sa Sa Piling ni Nanay sina Yasmien Kurdi, Mark Herras, Jillian Ward, Antonio Aquitania, Bettina Carlos, Nova Villa at Katrina Halili. Pumasok ang mga karakter nina Gabby Eigenmann at Jillian Ward at kung ganitong extended ang show, tiyak na may mga bago uling karakter na papasok. Si Gil Tejada ang kanilang director.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Mukhang ang Sa Piling ni Nanay ang pumalit sa The Half Sisters na na-extend nang na-extend at umabot ng two years.

Baka ganito rin ang mangyari sa Sa Piling ni Nanay.

Magandang balita ito kay Mark dahil mapapadali ang pag-iipon niya para sa kasal nila ni Wynwyn Marquez. Ang cute nga ng reaction ni Mark sa ipinost na picture ni Wynwyn na may black hat na suot at may nakasulat sa hat na “Just Married.”

“Pangggga!!! Ako na ang pinakamasuwerteng lalaki pagdating ng araw na ‘to... ipon muna... I love you panggggaa! @wynmarquez.” (NITZ MIRALLES)