Itataya ni WBA No. 7 super lightweight contender Czar Amonsot ng Pilipinas ang kanyang PABA junior welterweight title sa walang talong si WBC Asian Boxing Council Continental lightweight ruler Yutthapol Sudnongbua ng Thailand sa Nobyembre 25 sa The Melbourne Pavilion, Victoria, Australia.

Sa sagupaang ito masusubok kung maaari nang muling kumasa sa world title bout si Amonsot na huling natalo sa puntos kay Aussie Michael Katsidis noong 2007 sa kanilang laban para sa interim WBA lightweight title sa Las Vegas, Nevada.

Kasalukuyang WBA Pan African at WBA Oceania super lightweight titlist, kung magwawagi si Amonsot ay aangat pa siya sa WBA ranking at maaari nang hamunin ang kampeong si Ricky Burns ng Great Britain.

Naging WBC ABC Continental ruler si Sudnongbua sa featherweight, super featherweight at lightweight divisions na nagkampeon muna sa Thai boxing bago sumabak sa professional boxing noong 2009 at kabilang sa mga Pilipinong nabiktima niya sa mga laban sa Thailand sina Christian Abila (UD 12) at Rick Paciones (KO 3).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May perpektong rekord si Sudnongbua na 23 panalo, 16 sa pamamagitan ng knockouts kumpara kay Amonsot na may kartadang 32-3-3. (Gilbert Espeña)