DAHIL sa malaking responsibilidad at iba pang dahilan ng mga stakeholder at investor, nagdesisyon si Mayor Ceciron “Dodong” Cawaling ng Malay, Aklan na personal na pamahalaan ang Isla ng Boracay.

Malaking parte ng Malay, Aklan ang Isla ng Boracay. Taglay ang pinung-pinong puting buhangin na nananatiling patok sa mga turista tuwing sasapit ang panahon ang tag-araw. Ito ay nadiskubre ng isang Amerikano habang kinukunan ang kanyang pelikulang WWII Hollywood sa Pilipinas. Simula noon ay isa na ang Boracay sa pangunahing atraksiyon at umani ng mga pagkilala gaya ng “Island Tourism Paradise in the Pacific.”

Ang mabilis na paglobo ng mga turista sa Boracay ay tila hindi muling naulit sa nagdaang pamamahala sa tatlo nitong barangay. Ito ang dahilan kung bakit inalis ni Mayor Cawaling ang posisyon ng Boracay Administrator at personal na tinutukan at pinamahalaan ang pagpapatakbo, katuwang ang kanyang mga staff.

Kasalukuyan nang tinutukan ng alkalde at kanyang mga tauhan ang kapayapaan at kaayusan sa Boracay, basic services delivery, at seguridad para sa libu-libong turista.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Gaya ng sabi ng isang observer, “Cawaling has no choice since ultimately the burden of stewardship over Boracay rests with him and primary stakeholders including foreign and local investors, infrastructure developers, and others who thrive on its tourism industry.”

At ang nakakatuwa, tumatayo ring events manager si Mayor Cawaling at kanyang mga tauhan, ginagampanan ang mga hindi birong gawain sa package tours, sa transportasyon at crowd control.

“Tourism has opened our once obscure and off-the-way jewels of nature. With visitors coming in droves from near and far, we now enjoy a better economic outlook for our communities and people. This windfall and its life-changing developments, however, also demands the involvement of our people,” ani Cawaling.

Palagi niyang pinaaalalahanan ang mga turista sa Boracay na makipagtulungan sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan gaya ng tamang pagtapon ng basura, tamang paggamit ng pasilidad at communication network na pangunahing prayoridad.

Kamakailan lamang ay inilunsad ng Malay government ang kanilang... mangrove and protection program, bilang parte ng national government effort na paigtingin ang bio-diversity partikular na sa coastal communities.

“It’s not just tourism. As important is the viability of indispensable elements that make things work and ultimately be beneficial to our people. This is our main concern, without which, even our most beautiful tourism gems cannot last,” diin ni Cawaling. (Johnny Dayang)