alden-maine-prenup-5-copy

TOTOO pala ang death threats na natatanggap ni Alden Richards at nakabasa kami ng isa sa social media.

Sa Instagram account mismo ni Alden ipinost ang death threat na nakakatakot at baka totohanin.

“@aldenrichards02 Wag na wag mong lolokohin yang mengggay namin ah kung hindi ipapa-salvage kita sinasabi ko sa yo wag na wag mo lolokohin yan. Masyado yang maganda at dyosa para lokohin lang ng tulad mo. Just take care of my precious idol.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nasa Japan ngayon si Alden, nagbabakasyon kasama ang mga taga-Sunday Pinasaya na treat sa kanila ni Mr. Tony Tuviera, kaya baka hindi pa niya ito nababasa.

Ang fans ni Alden na nakabasa ng death threat ang natatakot para sa aktor.

Paano nga naman kung totohanin nito ang banta kay Alden halimbawang hindi sila magkatuluyan ni Maine Mendoza?

‘Kaloka!

May mga nagalit din kay Alden dahil inuna pa raw ang bakasyon sa Japan kaysa asikasuhin ang “kasal” nila ni Maine na kasama sa story ng kalyeserye ng Eat Bulaga. 

Sad to say, may ibang fans na hindi maihiwalay ang reel sa real. (Nitz Miralles)