Sa kulungan na magpa-Pasko ang tatlong lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga nang sila’y madakip ng mga pulis sa ikinasang buy-bust operation ng District Anti-Illegal Drugs (DAID), sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 sina John Paul Fowlet, construction worker; Efren Evire, pintor; at Guiller Francisco, pawang mga residente ng Saint Francis Street, Baesa, Barangay 163 ng nasabing lungsod.

Base sa ulat, dakong 1:00 ng madaling araw, isinagawa ng mga tauhan ng DAID ang buy-bust operation sa lugar.

Isang operatiba ang nagpanggap na bibili ng shabu at nang mag-aabutan na ay dinamba na nila ang mga suspek.

National

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Nasamsam ang dalawang plastic sachet na may lamang shabu. (Orly L. Barcala)