KIDAPAWAN CITY – Inaresto ng mga operatiba ng Highway Patrol Group (HPG) sa North Cotabato ang isang hinihinalang carnapper sa entrapment operation sa Tacurong City, Sultan Kudarat, nitong Martes ng hapon.

Sa ulat ng HPG, si Joven Madarang, 25, ang itinuturong nasa likod ng pagtangay sa bagong Toyota Grandia 2016 model van, na nirentahan niya noong Setyembre sa isang Relly Domaon ng Antipas, North Cotabato.

Sinabi ni SPO2 Manolito Garcia, hepe ng Police Non-Commissioned Office (PNCO) sa North Cotabato, na inalerto nila ang HPG sa reklamo ni Domaon nitong Lunes hanggang sa mamataan ang Grandia na minamaneho ni Madarang sa President Quirino sa Sultan Kudarat. (Malu Cadelina Manar)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog