URDANETA CITY, Pangasinan - Posibleng nakadagdag pa sa iniisip ng isang lalaki ang paparating na bagyo kaya naman inatake ito sa puso habang natutulog sa Batac City, Ilocos Norte.

Sa report na tinanggap, dakong 8:00 nitong Linggo nang matuklasan ni Noraliza Bormbarda na wala nang buhay ang asawang si James Bormbarda, 50, kapwa ng No. 1-N Ricarte, Batac City.

Sinasabing may sakit sa puso si James at pinaniniwalaang nakadagdag sa mga alalahanin nito ang paparating na bagyong ‘Lawin’, kasunod ng katatapos lang manalasa na bagyong ‘Karen’. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder