Nakahanap ng kakampi ang Philippine National Police (PNP) sa katauhan ng isang obispo ng Simbahang Katoliko, sa usapin ng summary killings.

Ito ay matapos ihayag ni Naval Bishop Filomeno Bactol na hindi lahat ng extrajudicial killings ay gawa ng pulis.

“For all we know, there are other factors like vendetta,” ani Bactol, sa isang pahayag na nakapaskil sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Tinutukoy ng pari ang pagpapatayan ng mga kriminal at mga taong sumasakay sa drug campaign, ngunit ang motibo ay paslangin ang kanilang kaaway.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Kasabay nito, iginiit ng Obispo na hindi dapat kondenahin ng sinuman ang mga drug suspect at maging mga pulis na nasasangkot sa isinasagawang Oplan Tokhang ng PNP.

Ayon kay Bactol, gaano man ka-guilty ang isang drug suspect, hindi ito dapat agad kondenahin.

Tsansa rin ang dapat na ibigay sa mga pulis na nakakapaslang ng drug suspects, dahil kailangan din naman nilang protektahan ang kanilang sarili. (Mary Ann Santiago)