TALAVERA, Nueva Ecija - Isang kilalang optical clinic dito ang pinasok ng nagpanggap na pasyente, at nagdeklara ng holdap.

Naganap ang insidente sa loob ng Fonacier Optical Clinic na matatagpuan sa Maharlika Highway, Bgy. Matias, sa bayang ito, nitong Biyernes ng umaga.

Pumasok umano sa klinika ang ‘pasyente’ na armado ng patalim at nagdeklara ng holdap.

Kinaladkad pa umano ng suspek at ikinulong sa comfort room ang sales clerk ng klinika na nakilalang si Isabel Reyes y Quilang, 30.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Ang holdaper ay nakatangay ng P5,000 cash at cell phone. (Light A. Nolasco)