KUNG sa Encantadia ay sukdulan ang kasamaan ni Glaiza de Castro bilang si Pirena, kabaligtaran naman ang kabutihan ng puso ng Kapuso actress off cam.

Katunayan, nagsagawa siya ng Fun Run event kamakailan para makatulong sa mga nangangailangang bata sa Valenzuela. At sa October 22 naman, magkakaroon ng pagkakataon ang fans ni Glaiza na mapanood siya sa isang charity showcase at fan meet.

Ayon sa dalaga, mapupunta ang kikitain ng nasabing event sa PGH Pediatric Cancer Ward.

Hindi lang blessed with talent si Glaiza, blessed with a good heart pa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter