Malaki na ang tsansang maitaas ng triple ang kasalukuyang real per capital income ng sambayanan.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order number 5 o ‘Ambisyon Natin 2040’.

Nakapaloob sa plano ang 25-year long-term anti-poverty at anti-hunger programs ng National Economic Development Authority (NEDA).

Target ng programang ito na maitaas ng tatlong ulit ang kasalukuyang real per capital income ng sambayanan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bukod sa mas maayos na buhay sa hinaharap, sinabi ni Duterte na target ng kanyang administrasyon na simulan ang kampanya para mabawasan ang bilang ng mga mamamayan na maituturing na mahirap. (Beth Camia)