christopher-de-leon-te-copy-copy

KAHIT award-winning actor na si Christopher de Leon, hindi siya tumatanggi sa roles na ibinibigay sa kanya, kahit pa guest lang, lalo na kung maganda naman ang karakter.

Kaya nga biniro siya sa grand presscon ng bagong sex drama movie ng Regal Entertainment na The Escort na kasama niya sina Lovi Poe at Derek Ramsay. Wala na nga bang bawal sa kanya pagdating sa love scenes, tulad ng ipinakita sa trailer ng movie na idinirek ni Enzo Williams?

“Wala nang bawal sa akin,” napahalakhak na sagot ni Boyet. “Kung napanood ninyo ang mga sexy-drama movies na ginawa ko noon, wala ang ginawa ko rito. Ngayon medyo tame na ito, at thankful naman ako dahil hindi marami ang tension.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Mahirap gumawa ng love scene. Kailangang you choreographed it well, iyong hindi mo mababastos ang leading lady mo.

“Saka dito sa movie, na-in love ako kay Yassi (Lovi). I’m a rich businessman, biyudo, gagawin ko ang lahat para makuha siya. Pero mind blowing ang love scene namin ni Lovi. Ang simula gentle kami with each other, then naging rough, kaya she’s nervous, I tried to be gentle with her. Panoorin na lang ninyo ang movie.”

Hindi ito ang first time na pagsasama sa project nina Boyet at Lovi dahil ginawa na nila noon sa GMA-7 ang Beautiful Strangers na may eksena ring pinagtangkaan niyang gahasain si Lovi.

Since nakasama rin ni Boyet noon ang ama ni Lovi na si Fernando Poe, Jr. sa Aguila, may nagtanong kung sino raw ang mahusay sa mag-ama.

“FPJ is my idol, my ninong, you will look up on him. His daughter is a very good actor, sometimes she’s better than his father.”

Thankful sa mga sinabi ni Boyet si Lovi, na tinanong naman how is it working with Christopher, lalo na sa love scene nila.

“It’s good working with good actors like Boyet and Derek,” sagot ni Lovi. “Magkaiba ang atake ng love scene namin, dahil iyong with Derek, medyo tame nga ang eksena.”

Nagkatawanan nang may magtanong kung sinadyang hindi ipakita sa trailer ang love scene nina Boyet at Lovi. Panoorin lang daw sa kabuuan ng movie na may playdate sa November 2 in cinemas nationwide. (NORA CALDERON)