Matapos ang masusing pag-aaral at deliberasyon, inihayag ng Department of Education na hindi kayang pagbigyan ang mungkahi ni Senator Grace Poe na maagang pagbakasyunin ang mga mag-aaral sa darating na Christmas season.

“Ang pinal na desisyon ng DepEd ay sa taon na ito, sa school year na ito, ay hindi ito mangyayari,” ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali.

Ang desisyon ay base umano sa pakikipagpulong ni Education Secretary Leonor Briones sa Executive Committee ng kagawaran.

“Talagang pinag-aralan namin ‘yung school calendar, ano ang implication nito dun sa minimum number of days, contact time with our children at kung papaano tayo mag-a-adjust kung kakayanin pa pero talagang hindi kakayanin sa school year pong ito,” ayon kay Umali.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa 2016-2017 School Calendar, ang Christmas break para sa public schools ay sa Disyembre 22. Babalik ang mga estudyante sa Enero 2 o 3, 2017.

Magugunita na iminungkahi ni Poe ang mas maagang Christmas break para maibsan ang mahigpit na trapiko sa Disyembre.

(Merlina Hernando-Malipot)