MANGATAREM, Pangasinan - Nababahala ang nasa 29 na residente rito matapos silang makakain ng karne ng aso na nagpositibo sa rabies.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kahapon kay Eduardo Datlag, 56, taga-Barangay Lanka sa Mangatarem, maging siya ay nagpabakuna kontra rabies makaraang malantad siya sa panganib kasunod ng pagkamatay sa rabies ng asawa niyang si Miriam nitong Setyembre 4 matapos itong makagat ng aso.

Agad naman umanong ibinenta ang asong nakakagat kay Miriam at kinatay at kinain ito ng kanilang mga kabarangay.

Nasa 29 ang pinaniniwalaang nakakain sa aso at sumailalim na rin ang mga ito sa pagbabakuna sa takot na mamatay sa rabies. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder