DARAGA, Albay – Napatay ang isang barangay chairman na drug surrenderer sa bayang ito matapos umanong manlaban sa drug buy-bust operation nitong Martes ng hapon.

Kinilala ni Chief Insp. Art Gomez, hepe ng Provincial Investigation and Detection Management Section (PIDMS) ng Albay Police Provincial Office (PPO), ang nasawi na si Rommel Marticio, chairman ng Barangay Inarado sa Daraga, Albay.

Sinabi ni Gomez na ikinokonsidera si Marticio ng Albay PPO bilang isang high-value target at kabilang sa mga opisyal ng barangay na nauna nang sumuko sa “Oplan Tokhang” ng Daraga Police.

Narekober kay Marticio ang ilang drug item at isang .38 caliber revolver. (Niño N. Luces)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder