Nais ni Senator Grace Poe na rebisahin ng oversight committee ang lahat ng kontrata na may kinalaman sa trapiko sakaling maibigay sa Disyembre ang emergency powers (EP) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinukoy ni Poe na ibibigay na muna ang EP sa mga lugar na sobra ang problema sa trapiko tulad ng Metro Manila, Metro Cebu at Davao City ngayong Disyembre, na pwedeng mapalawig depende sa rekomendasyon ng oversight committee.
Sa pagdinig pa kahapon, kinuwestiyon din ni Poe ang labis na pondo na ipinapalabas ng Department of Transportation (DoTr) dahil walang paliwanag ang nabanggit na ahensya.
“For example is the P219 billion subway project that will only cover 14 kilometers. That amount is already one-fourth of your Php 1.5 trillion wish list. Please explain to us, how this will ease traffic and where at least those areas will be,” ani Poe.
Ang DoTr ay pinagsusumite ng kanilang mga plano para agad matalakay. (Leonel M. Abasola)