TARLAC CITY – Apat na katao ang inaresto matapos umanong maaktuhan sa pot session sa Zone 6, Barangay San Isidro sa Tarlac City, nitong Martes ng hapon.

Sa ulat kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, ang mga dinakip ay sina Ronald Basilio, 36, binata, ng Bgy. San Nicolas; Danilo Mercado, 40; May Landingin, 43, dalaga, ng Bgy. San Isidro; at Rita Laxamana, 50, ng Bgy. Sapang Bato, Angeles City, Pampanga.

Nabawi mula sa apat ang drug paraphernalia at isang transparent plastic sachet na may 0.021 gramo ng hinihinalang shabu. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog