MONCADA, Tarlac - Personal na alitan ang sinasabing dahilan kaya pinagbabaril ng isang 48-anyos na lalaki ang mortal nitong kaaway sa Barangay San Roque sa bayang ito, nitong Lunes ng umaga.

Kaagad namang isinugod sa ospital si Ernesto Pascual, 66, may asawa, ng Bgy. San Juan na nagtamo ng malubhang tama ng bala sa katawan, habang tinutugis na ng pulisya si Carlos Galzote, ng Bgy. San Leon, Moncada.

Sa imbestigasyon ni PO3 Clarito Tamayo, dakong 10:00 ng umaga nang nagtalo sina Pascual at Galzote dahil sa patubig mula sa irigasyon sa Bgy. San Roque hanggang sa barilin ng suspek ang biktima. (Leandro Alborote)
Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder