woods-copy

NAPA, California (AP) – Ang paghihintay sa pagbabalik ni Tiger Woods ay magpapatuloy.

Ilang araw matapos kompirmahin ang pagbabalik aksiyon sa pagsabak sa Safeway Open – unang torneo sa PGA Tour 2017 season – binawi ni Woods ang naunang pahayag nitong Lunes (Martes sa Manila).

“My health is good, and I feel strong,” pahayag ni Woods sa kanyang mensahe sa website. “But my game is vulnerable and not where it needs to be.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Matapos ang matagumpay na kampanya ng Team USA sa Ryder cup kung saan isa si Woods sa assistant coach, naipahayag niya ang pagbabalik sa Tour sa pagsabak sa Safeway Open sa Silverado Resort sa Napa, California.

Naging usap-usapan na ang pairing niya kina Phil Mickelson at defending Silverado champion Emiliano Grillo. Subalit, hindi na ito matutuloy sa kanyang pagatras sa Safeway Open, gayundin sa Turkish Airlines Open sa Nov. 3-6.

Aniya, plano niyang simulan ang pagbabalik laro sa Hero World Challenge sa Dec. 1-4 sa Bahamas.

“When I announced last week I was going to Safeway, I had every intention of playing, or I wouldn’t have committed,” sambit ni Woods.

“I would like to apologize and send my regrets to Safeway, the Turkish Airlines Open, the fans in California and Turkey and those that had hoped to watch me compete on TV. This isn’t what I wanted to happen, but I will continue to strive to be able to play tournament golf,” aniya.