Pinatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang isang barangay chairman at isang barangay treasurer makaraang pagbabarilin sa loob ng barangay hall sa Benito Soliven sa Isabela, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng Benito Soliven Municipal Police ang mga biktimang sina Emilio Lazaro at Wilson Galapon, chairman at treasurer ng Barangay Makindol, ayon sa pagkakasunod.

Ayon kay Sangguniang Bayan Member Labueno Casas, nasa barangay hall sila sa Makindol para sa assembly meeting nang biglang dumating ang apat na suspek na sakay sa motorsiklo, at dalawa sa mga ito ang bumaril kina Lazaro at Galapon.

Sinabi ni Chief Insp. Jose Torrijos, hepe ng Benito Soliven Municipal Police, na walang kinalaman sa droga ang pamamaril at may hinala ang pulisya na may kaugnayan sa negosyong pautang at pulitika ang insidente. (Fer Taboy)
Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder