Nakatulog ng mahimbing si Edgar Matobato, ang self-confessed hitman ng Davao Death Squad (DDS), at walang naging problema sa unang gabi sa Philippine National Police (PNP), Detention Center sa Camp Crame.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), maganang kumain at natulog ng maayos si Matobato at wala itong naging reklamo sa serbisyo ng PNP lalo na sa pasilidad ng kulungan.

Sinabi ni Matobato na hindi pumasok sa isip niya ang pagtakas, kahit noong araw na inilabas ang warrant of arrest para sa kanyang mga kaso.

Ayon pa sa kanya, pagod na rin siya sa mahabang panahon ng pagtatago sa kasalanan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sumuko si Matobato kamakalawa ng umaga, kasama si Sen. Antonio Trillanes IV, kay PNP Chief, Director General Ronald Dela Rosa, dahil sa bench warrant na ipinalabas laban sa kanya sa illegal possession of firearms. (Fer Taboy)