BAUAN, Batangas - Patay ang isang binata matapos tamaan ng bala ng baril nang magwala umano ang isang lasing sa Bauan, Batangas.

Namatay habang ginagamot sa Bauan General Hospital si Bernardo Brucal matapos tamaan ng bala sa kaliwang kilikili, habang nakatakas naman si Fernando Carpacio, alyas Nanding.

Ayon sa report ni PO2 Denver Claveria, dakong 5:50 ng hapon nitong Biyernes at nanonood sa mga naglalaro ng tong-its si Brucal nang dumating ang lasing na suspek na armado ng sumpak.

Nagwala umano ang suspek hanggang natamaan ang biktima. (Lyka Manalo)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder