BANGAR, La Union – Limang katao na kinagat ng tuta at 20 iba pa na hinihinalang mayroong rabies ang isinailalim sa isolation sa Barangay Cadapli sa bayang ito upang maiwasang maihawa ang nakamamatay na sakit nitong Huwebes.

Sinabi ni Bangar Mayor George Pinzon na isang apat na taong gulang na bata ang unang nakagat ng tuta, na nangagat din sa apat na kataong nagtangkang humuli rito.

Nagpositibo ang bata sa rabies nitong Lunes, gayundin ang tuta, na namatay naman makalipas ang ilang araw, ayon sa alkalde.

Nabatid na dinala nitong Biyernes sa Animal Bite Center sa Bacnotan ang apat pang nakagat ng tuta para bakunahan, gayundin ang 20 nakatagay sa inuman ng isa sa mga ito.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Sinabi ni Pinzon na hihingi siya ng ayuda mula kay Gov. Francisco Emmanuel Ortega III para sa pagpapagamot sa mga biktima, dahil napakamahal ng bakuna kontra rabies. (Erwin G. Beleo)