Bubuo ang Kamara ng Technical Working Group (TWG) na babalangkas sa mga panukalang pagkalooban ang Pangulong Duterte ng emergency powers upang agad na matugunan ang problema sa trapiko. Pamumunuan ito ni Rep. Cesar Sarmiento (Lone District, Catanduanes), chairman ng House Committee on Transportation.

Sa mosyon ni Rep. Maximo Rodriguez, Jr. (2nd District, Cagayan de Oro City), hiniling ang pagtatatag ng isang subcommittee para pag-isahin ang sampung iba’t ibang panukala na inihain ng mga mambabatas sa rekomendasyon ng Department of Transportation (DoTr) upang maging substitute bill na babalangkasin sa plenaryo.

Umaasa si Sarmiento na matatapos ng TWG ang substitute bill sa susunod na buwan. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter