PX*12310982

MULING nagkita si Brad Pitt at ang kanyang mga anak sa unang pagkakataon matapos silang maghiwalay ni Angelina Jolie, iniulat ng People magazine.

Isang source ang nagsabi sa magazine na ang 52-anyos na aktor “has spent some wonderful time with the children recently.”

Mayroong therapist sa unang pagbisita ni Pitt sa mga anak niya bilang bahagi ng temporary plan na inirekomenda ng Los Angeles County Department of Children and Family Services (DCFS), batay sa pinagkasunduan nina Pitt at Jolie, 41 anyos.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Nakamit ng aktres ang full temporary custody sa anim nilang anak na sina Maddox, 15; Pax, 12; Zahara, 11; Shiloh, 10; at kambal na sina Knox at Vivienne, walong taong gulang.

Setyembre 19 nang naghain ng divorce si Jolie.

Patuloy ang imbestigasyon ng Federal Bureau of Investigation at ng DCFS sa alegasyon na nagsagawa ng verbal at physical abuse si Pitt sa panganay nilang si Maddox habang sakay sa kanilang private jet. (MB Entertainment)