Nakahandang isuko ni Senator Antonio Trillanes IV si Edgar Matobato, ang self-confessed hitman ng Davao Death Squad (DDS), kay Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald ‘Bato’ de la Rosa kapag nahawakan na niya ang warrant of arrest.

Ayon kay Trillanes, mismong si Matobato ang nagdesisyon na susuko siya matapos na maglabas ng arrest warrant ang municipal trial court ng Davao, kaugnay sa hindi nito pagdalo sa pagdinig.

Nahaharap sa illegal possession of firearms si Matobato nang idawit siya at arestuhin dahil sa pagpatay sa businessman na si Richard King.

Si Matobato ay nasa kustodiya ni Trillanes , matapos nitong idiin si Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Vice Mayor Paolo Duterte sa mga pagpatay sa Davao City. (Leonel M. Abasola)

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte