Bigyan ng benepisyo at insentibo ang mga Filipino scientist na nasa ibang bansa upang mahikayat silang umuwi at tumulong sa pagpapayabong sa research and development, ito ang panukala ni Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV.

Aniya, maraming scientist at eksperto ang nais na manungkulan sa bansa ngunit napipilitang umalis dahil sa mas magandang oportunidad sa ibayong dagat.

Iginiit ni Aquino na panahon na para pabalikin ng mga henyong Pinoy upang ang bansa naman ang matulungan at makinabang sa kanilang mga talento.

Para maisakatuparan ito, ikinampanya ni Aquino ang pagsasabatas sa kanyang panukalang Balik Scientist Program ng Department of Science and Technology (DOST).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Muling binuhay noong 1993 sa bisa ng Executive Order No. 130, matagumpay na nahikayat ng Balik Scientist Program ang ilang scientist na tumulong sa pagsasaliksik sa bansa. (Leonel M. Abasola)