DAGUPAN CITY, Pangasinan - Inaasahang masisimulan na sa susunod na mga araw ang disposal o pagbabaon sa lupa ng nasa 143 container van ng mga expired na frozen meat, ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

Ayon kay SINAG Chairman, Engr. Rosendo So, batay sa napag-usapan sa pulong nila kasama ang Bureau of Customs (BoC) at iba pang ahensiya ng gobyerno ay rendering ang pagbabaon sa mga bulok na karne.

Ipinuslit ng mga tiwaling importer sa bansa mula sa Amerika, Canada at Europe, tig-anim na van ng nabanggit na karne ang tatangkaing ibaon sa Oktubre 10-15.

Ayon kay So, kalahating container van, o 15,000 kilo ang kayang ibaon kada araw.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Inihayag naman ng BoC ang planong sampahan ng kaso ang mga tauhan ng ahensiya na kasabwat ng mga importer, na inirekomenda ng SINAG na kasuhan din. (Liezle Basa Iñigo)