Tsismis lang ang umuugong na umano’y pagkilos upang patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tiniyak ni Army Col. Benjamin L. Hao, kasabay ng pagtiyak na lalong hindi ito manggagaling sa hanay ng Philippine Army (PA).

“The Philippine Army is a strong organization. Kung rumor ‘yun, rumor lang ‘yun,” ayon kay Hao.

“Definitely right now we are solid, we will always support our chain-of-command, the commander-in-chief,” dagdag pa niya.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sinabi ni Hao na walang dahilan upang mag-alsa ang mga sundalo, maging ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) dahil batid nila ang sinseridad ng Pangulo sa pagpapaangat sa kanilang kapakanan.

“Definitely (walang rason para magkudeta). Ang may reason lang na meron kami is the reason to fully support the President. He is strong, he fully supports the military and so sincere,” pahayag pa ni Hao.

“Very sincere. Tinataas niya pa nga ang sahod namin eh. Iyung programa ng previous administration ay tinataas at dinadagdagan pa niya, pero ‘yung kanyang sinseridad, ‘yung kanyang pagmamahal ‘yun ang makita mo. Niyayakap niya ang mga sundalo namin sa ospital, ‘yung iba nag si-sir pa nga siya eh,” ayon pa kay Hao.

Siniguro ni Hao na handa ang Army na umaksyon sakaling may grupong nagbabanta para itaob ang kasalukuyang administrasyon. (Francis T. Wakefield)