TALISAY, Batangas – Patay ang isang barangay chairman na kapatid ng mayor ng bayan ng Laurel at driver-bodyguard nito makaraang pagbabarilin ng apat na armadong lalaki sa Talisay, Batangas, nitong Martes.

Hindi na umabot nang buhay sa St. Andrews Hospital sina Reynold Amo, 39, chairman ng Barangay Poblacion 2 at nakababatang kapatid ni Laurel Mayor Randy James Amo; at Severino Alday.

Sugatan naman at nagpapagaling pa sa ospital ang isa pang bodyguard ng barangay chairman na si Ace Alcantara, habang hindi naman nasugatan si Association of Barangay Captains (ABC) President Severino Endaya, ng Bgy. Poblacion 3.

Sinabi ni Talisay Police Chief, Senior Insp. Norman Cas-oy na dakong 4:10 ng hapon nang i-ambush ang mga biktima habang sakay sa Hyundai Tucson (VED-616) na minamaneho ni Alday patungo sa Laurel, matapos dumalo sa isang birthday party sa Tanauan City.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Inaalam pa ang motibo at ang pagkakakilanlan ng apat na suspek na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo nang isagawa ang ambush sa Bgy. Sampaloc, Talisay. (Lyka Manalo)