Matapos na punahin ang anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Australia naman ang pinitik ng Malacañang.
“Foreign leaders who have concerns regarding the processes in the Philippines would best serve their purpose by addressing it through the proper diplomatic channels instead of voicing it over media,” ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella.
Ang pahayag ay kasunod ng panawagan ni Australian Foreign Minister Julie Bishop kay Pangulong Duterte na wakasan na ang extrajudicial killings sa bansa.
Sinabi ni Bishop na dapat ay payagan ng administrasyong Duterte na makarating sa korte ang mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga. (Genalyn D. Kabiling)