volleyball-copy

2 volleyball player sinuspinde at pinagmulta ng PSL.

Karangalan laban sa salapi. Kapangyarihan kontra sa karakter.

Kapahamakan sa career at kabuhayan ang sinapit nina Pau Soriano at Lilet Mabbayad nang patawan ng one-year banned at multang P50,000 ng Philippine Super Liga.

Human-Interest

ALAMIN: ‘Required’ ba na magbigay ng 13th Month Pay ang mga kompanya tuwing Holiday Season?

Nairita si PSL president Tatz Suzara nang lumaro ang dalawa sa karibal na ligang Shakey’s V-League Reinforced Conference nitong Lunes.

Pinangunahan nina Soriano at Mabbayad ang Bureau of Customs sa 25-23, 25-18, 25-22 panalo kontra University of the Philippines.

Iginiit ni Suzara na may kontrata ang dalawa sa PSL na epektibo hanggang sa katapusan ng taon. Hindi naman malinaw kung magkano ang tinatanggap ng dalawa sa liga.

“Philippine Navy Standard Insurance still holds an existing agreement with PSL, disallowing players to participate in other leagues until December 31, 2016. Since Pau Soriano and Lilet Mabbayad have been reported to play for V-League tonight, they shall be penalized with P50,000 each and will face a one-year suspension from the PSL,” pahayag ni Suzara sa opisyal na pahayag ng liga.

Wala namang panghihinayang na nabanaag sa mukha nina Soriano at Mabbayad matapos matanggap ang opisyal na desisyon ng PSL.

Anila, ginusto nila ang pangyayari at handa silang harapin ang kaparusahan.

“Pinili ko ito. Masaya ako sa naging desisyon dahil natulungan ko ang team namin na manalo. Wala namang problema, basta handa akong harapin ito dahil nasunod naman ang sarili kong desisyon,” pahayag ni Soriano.

“Oo alam naman namin (na suspended and may fine kami) kung anong mangyari, go lang kahit anong mangyari,” sambit naman ni Mabbayad.

Ayok kay Soriano mas tumindi ang pagnanais niyang maglaro sa Customs nang hindi payagan ang dalawang Thai import ng koponan na makalaro bunsod ng kakulangan sa dokumento.

“Parang masakit sa damdamim ko na makitang matatalo ang koponan namin dahil kulang sa player, kaya sabi ko sige na lang, sports ito at masaya ako sa ginagawa ko,” ayon kay Soriano.

“‘Yung love at concern namin sa team nandoon. Come what may maglalaro kami dahil kailangan kami ng team,” aniya.