PANIQUI, Tarlac - Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 39-anyos na lalaki na pinaghahataw ng tubo sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan ng mortal nitong kaaway sa Purok 4, Barangay Salumague sa bayang ito, nitong Sabado ng madaling araw.

Ayon kay PO1 Mark Anthony Garcia, ang pinaslang ay si Francisco De Guzman, ng nasabing barangay, habang ang suspek naman ay si Romy Santillian, 35, binata, kabarangay ng biktima at kusang sumuko kay Barangay Chairman Samuel Cabrera.

Dakong 11:00 ng gabi, pauwi na si De Guzman sakay sa minamaneho niyang tricycle nang madaanan niya si Santillian at nagsigawan sila tungkol sa matagal nang alitan hanggang sa kumuha ng tubo ang suspek at pinagpapalo sa ulo ang biktima.

Nabatid na matagal nang may alitan ang dalawa dahil sa pakikipagrelasyon umano ng biktima sa hipag ng suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar