WASHINGTON, (AFP) – Hinikayat ni Donald Trump ang mga botante noong Biyernes na silipin ang sinasabing ‘’sex tape’’ ng isang dating Miss Universe na tagasuporta ng kanyang karibal na si Hillary Clinton.

Sa madaling araw na Twitter rant, inakusahan ng Republican nominee si Clinton na tinulungan si Alicia Machado na makakuha ng citizenship upang magamit ito laban sa kanya.

Sinabi ni Machado, tubong Venezuela, na walang awa siyang inapi ng bilyonaryo matapos manalo sa beauty pageant na pag-aari ni Trump noong 1996. Sumentro ang atensyon ng publiko sa kanya simula nang banggitin ni Clinton ang kanyang kaso sa presidential debate nitong Setyembre 26.

‘’Did Crooked Hillary help disgusting (check out sex tape and past) Alicia M become a US citizen so she could use her in the debate?’’ sabi ni Trump, sa serye ng matitinding tweets.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Binatikos ni Clinton ang kasaysayan ng mga mapang-abusong pahayag ni Trump na kinabibilangan ng pagpapahiya kay Machado dahil sa pagdagdag nito ng timbang at lahing Latina, at binansagang ‘’Miss Piggy’’ at ‘’Miss Housekeeping.’’

Nagalit ang Democrat sa mga atake ni Trump sa beauty queen, at idiniin na ito ay isang patunay na hindi nararapat maging pangulo ang Republican.

‘’This is... unhinged, even for Trump,’’ tweet ni Clinton bilang tugon sa sex tape allegation.

‘’Who gets up at three o’clock in the morning to engage in a Twitter attack against a former Miss Universe?’’ tanong ni Clinton sa mga tagasuporta nito sa isang rally sa Florida. ‘’It proves, yet again, that he is temperamentally unfit to be president and commander in chief.’’