Dahil sa nalalapit na holiday season, pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang lahat ng importer ng Christmas lights na tumalima sa itinakdang pamantayan, alinsunod sa mandato ng Bureau of Philippine Standards (BPS).

Layunin nitong tiyaking ligtas ang mga mabibili at ibinebentang Christmas lights sa mga pamilihan sa bansa.

Para sa 2016, ang lahat ng Import Commodity Clearance (ICC) certificates ng Christmas lights na inisyu ng BPS mula Enero ay balido.

Ayon sa DTI simula sa 2017, ang validity ng ICC certificates na inisyu para sa imported Christmas lights ay tatagal lamang sa loob ng limang taon.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

“Importers are also reminded that lights/lighting chains to be sold must bear the appropriate Import Commodity Clearance (ICC) stickers or the Philippine Standard (PS) certification mark before distribution in the local market,” paalala ng DTI.

Paiigtingin naman ng DTI ang pagmo-monitor sa mga pamilihan at magkakasa ito ng mga aktibidad upang siguruhing hindi kumalat ang mga hindi sertipikadong Christmas lights sa merkado.

Pinapayuhan ang mga consumer na bumili lang ng brand ng Christmas lights na aprubado ng BPS upang makaiwas sa pagkasugat o pagkasira ng ari-arian.

Sa tuwing Christmas season, isa sa mga sanhi ng sunog ay mula sa depektibo o pekeng Christmas lights. - Bella Gamotea