CAPAS, Tarlac – Dalawang motorcycle rider at tatlong iba pa ang grabeng nasugatan makaraang magkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa Victory Road sa Barangay Estrada, Capas, Tarlac, nitong Sabado ng gabi.

Isinugod sa Ospital Ning Capas sina Dominic Villanueva, 22, binata, driver ng Honda motorcycle na walang plaka, residente ng Victory Street sa nasabing barangay; Jonas Pacete, 29, driver ng Rusi Wave motorcycle (CK-1918); Serna De Guzman, 24; Joshua Pacete, 4; at Jonathan Pacete, 2, pawang taga-Bgy. Talaga, Capas, Tarlac. - Leandro Alborote
Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar