TARLAC CITY - Sa loob ng 24-oras na operasyon ng mga tauhan ng Tarlac City Police ay nakalambat ito ng dalawang hinihinalang drug pusher sa Bufar, Barangay Ligtasan, Tarlac City, Sabado ng gabi.

Sa ulat kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, naaresto sa buy-bust operation sina Manulito Garcia, alyas Bulati, 43, binata, ng nasabing barangay; at Arnel Cau, 39, ng Sitio Mangga 2, Bgy. Matatalaib, Tarlac City.

Nasamsam kay Garcia ang walong plastic sachet na may 1.798 gramo ng hinihinalang shabu, timbangan, dalawang gunting at cell phone, habang nakumpiskahan naman si Cau ng drug paraphernalia.

Marso 3, 2015 nang unang maaresto si Garcia, kasama si Cau, matapos maaktuhan sa pot session sa nasabing barangay. - Leandro Alborote

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog