May kabuuang 105 na kapana-panabik na sultada ang naghihintay sa mga apisyonado sa pagpalo ng Ultimate Fighting Cock Championships 4th leg Stagwars nitong Linggo sa Las Pinas Coliseum.

Inaasahang maliliyamado si Las Piñas City Mayor Nene Aguilar, Sam 29/Striker entry, nakopo ang 3rd Leg 6-stag derby sa pakikipagtambalan kay Sam Aguilar.

Hahamon naman ang mga nagsolong kampeon sa 1st Leg na si Arman Santos (Jade Red) at sa 2nd Leg na si dating Congressman Patrick Antonio.

Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2016 UFCC Stagwars ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum; Resorts World – Manila at Solaire Resorts & Casino.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang UFCC Stagwars ay gaganapin sa apat na magkakaibang sabungan sa layunin na mas mailapit ang idolo ng sabong sa masang sabungero.

Ang LPC sa Zapote, Las Piñas City ang siyang pagdarausan ng lahat ng UFCC one-day 6-stag derby na nakatakda din sa Oktubre 8, 15 at 22.

Samantala, handa na ang lahat para sa pinakahihintay na A.A. Cobra 9-Stag Derby na gaganapin sa Newport Theatre ng Resorts World – Manila sa Oktubre 24, 25 at 27 kung saan ang entry fee ay P110,000 at ang minimum bet ay P55,000.

Gaganapin din sa Resorts World – Manila ang pinakamalaking pasabong sa susunod na taon – ang 2017 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby na nakatakda sa Enero 15-21, matapos ang All New International Gamefowl Festival sa Enero 13, 14 t 15 na gagawin naman sa SMX Convention Center.