Sinibak kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa ang hepe ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) matapos mapasama ang pangalan nito sa listahan ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Tinanggal ni Dela Rosa bilang CPPO director si Senior Supt. Jose Macanas at itinalaga bilang kapalit si Senior Supt. Eric Noble, mula sa Police Regional Office (PRO)-1, matapos mapasama ang pangalan ni Macanas sa listahan ni Mayor Espinosa.

Setyembre 30 nang ibaba ni Dela Rosa ang nasabing direktiba kay PRO-7 Director Chief Supt. Noli Talinio para sibakin sa puwesto si Macanas.

Ikinagulat naman ni Gov. Hilario Davide III ang agarang pagsibak kay Macanas.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ayon kay Davide, maganda naman ang performance ni Macanas sa nakalipas na mahigit dalawang buwan nitong panunungkulan bilang CPPO director.

Kasabay nito,inihayag din na sasampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman si Macanas.- Fer Taboy