Pinagsabihan ng mga kongresista ang Smart Communications na kung nais nitong mapalawig pa ang kanilang prangkisa ng panibagong 25 taon, ay remedyuhan ang mabagal na serbisyo sa Internet.

Inihayag ng mga mambabatas ang kanilang pagkainis sa telecoms giant sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises na pinamumunuan ni Rep. Franz E. Alvarez, sa House Bill 2930 na inakda ni Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali para palawigin ang prangkisa ng Smart.

Kinastigo ni Kabayan Party-list Rep. Harry L. Roque ang serbisyo ng Smart na “urban-centric, it is slow even inside the House of Representatives.”

Sinang-ayunan naman ito nina Rep. Gerald Anthony V. Gullas Jr. (1st District, Cebu) at Rep. Edward Vera Perez Maceda (4th District, Manila).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“These complaints referred to Smart’s slow internet, inadequate services, missed calls and dropped calls. What has happened since then and what has Smart done about these complaints?” tanong ni Gullas. (Bert de Guzman)