BALAYAN, Batangas - Pinaghihinalaang suspek sa pagtutulak ng droga at magnanakaw din ang isang lalaki na natagpuang patay sa Balayan, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), hindi pa nakikilala ang bangkay na nakasuot ng puting T-shirt at itim na shorts, na natagpuang nakahandusay sa tabing kalsada sa Barangay Munting Tubig.

Dakong 9:20 ng gabi nitong Huwebes nang matagpuan ang bangkay na may katabing cardboard na nasusulatan ng “’Wag tularan, pusher ako, magnanakaw pa, 9 pa ang susunod”.

Nabatid sa imbestigasyon na nakitang sakay sa motorsiklo ang biktima, kasama ang isang hindi pa kilalang lalaki.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

May teorya ang pulisya na ang kasama ng biktima ang bumaril sa kanya. (Lyka Manalo)