SAN JOSE, Tarlac – Sugatan ang isang jeepney driver at 18 niyang pasahero makaraang mawalan ng preno ang sasakyan hanggang bumalandra sa municipal road ng Sitio Padlana sa Barangay Lubigan, San Jose, Tarlac, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni PO3 Arham Mablay ang mga biktima na sina Jaime Racadio, 47, may asawa, driver ng jeep (CXT-986), at residente ng Bgy. San Antonio, Gerona; Ronnie Raposas, 40, may asawa; Clarence Parazo, 12; Lawrence Parazo, Jr., 4; Maribel Parazo, 40; Rosemarie Miller, 45; Mary Grace Castaneda, 9; Raymond Tadeo, 33; Edmar Dela Cruz, 19; Raul Tadeo, 23; Rosalyn Granadoza, 20; Niña Lirina Tadeo, anim na taong gulang.

Nasugatan din sina Kenneth Millet, 16; Reynaldo Tadeo, 57; Marilou Ramones, 54; John Marck Cortez, 30; Angie Tadeo, 57; Marian Ramones, 52; at Rean Tadeo, 14, pawang residente ng nasabing barangay. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito