Pormal na isinumite ng Metro Pacific Tollways Development Corporation (MPTDC) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang post award para sa North Luzon Expressway-South Luzon Expressway (NLEX-SLEX) Connector Road Project.
Tinanggap ni Public Works Secretary Mark Villar mula kay Metro Pacific Investment Corporation Chairman Manuel Pangilinan ang mga dokumento para sa pagkakabisa ng mga inisyu ng DPWH Notice of Award sa disenyo, pananalapi, pagbuo, pagpapatakbo at pagpapanatili ng mataas na toll highway na nag-uugnay sa North at South Luzon Expressways.
Sa kabuuang P23.2 billion budget, ang walong kilometrong four-lane elevated expressway project ay naasahang makukumpleto sa Setyembre 2020. (Mina Navarro0