NANOOD ng block screening ng Barcelona: A Love Untold sina Jasmine Curtis-Smith at ang boyfriend niyang si Jeff Ortega. Nakunan sila ng picture na nai-post sa social media at batay sa reaction ng netizens, marami pa rin ang hindi nakapag-move on sa naging isyu dati kina Jasmine at Daniel Padilla.

Inakusahan si Jasmine na kinikilig kay Daniel kaya raw nanood ng pelikula nina Daniel at Kathryn Bernardo.

Hindi ba puwedeng gusto lang nitong mapanood ang pelikula ni Kathryn? O, kaya’y may nag-imbita kay Jasmine?

Samantala, mukhang solid ang relasyon nina Jasmine at Jeff na laging magkasama pati sa ibang bansa. Welcome si Jeff sa family ni Jasmine and vice-versa. In fact, napapansin ng mga reporter na mas madalas si Jasmine sa La Union, sa place nila ni Jeff.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa nakaraang golden wedding anniversary ng parents ni Jeff, isa si Jasmine sa mga bisita at ang ganda ng comment niya sa pinost na picture na, “Congrats to Tito Manoling and Tita Denny on their 50 years of marriage, That is true love ganito rin tayo ok @jeffortega?” (Nitz Miralles)